Excellence

Dulang Pantelebisyon at Pampelikula –

Isang Online Treasure Hunt

Para sa Ikatlong Taon ng High School (Filipino)

Panimula:

Layunin ng araling ito na mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-aaral ng dulang pantelebisyon at pampelikula.

Sa araling ito ay tutunghayan natin ang kaligirang pangkasaysayan, mga uri at mga elemento nito ng dulang pantelebisyon at pampelikula.

Ito’y isang gawaing pampangkat. Tatlo hanggang apat na miyembro sa  bawat pangkat. May mga tanong sa ibaba na magsisilbing gabay sa pagbabasa at pagsususlit na rin kung naunawaan ninyo ang tekstong binasa. Isulat ang iyong mga sagot sa mga tanong. Pagkatapos ay sundin ang panuto sa Malaking Tanong.

Mahalagang Tanong para sa Aralin:
1. Paano lumaganap sa Asya ang dulang pantelebisyon at pampelikula?

2. Ano ang  sinasabing Ginintuang Panahon ng Pelikula? Bakit ?

3. Ano-ano ang mga pelikulang lumaganap at sumikat sa Ikalawang  Ginintuang
Panahon ng Pelikulang Pilipino”?

4. Paano inilalahad ang palabas na orihinal at adapsyon na teleserye o pelikula?

Mga Sanggunian

“ History of The Philippine Cinema”, http//www.aenet.org/family/filmhistory.htm
http://video48.blogspot.com/2008/09/orasang-gint
www.teachwithmovies.org
http://video48.blogspot.com/2008/09/orasang-gint Mga Larawan
www.workspresso.com
www.top100pinoys.wordpress.com
www.ncca.gov.ph
www.moviek;asiks.b;ogspot.com
http://www.freewebs.com/famas_awards/ maria_clara.htm
http://www.docstoc.com/docs/44785109/Kasaysayan-at-Tunguhin-ng-Pelikulang-Pilipino
http://www.bse.ph/download/reports/BSEWEBSITE/2010SEC/Second_Year/TG2Yr/Fil_Dula_Aralin_1.pdf
www.flickr.com
www.addu.edu.ph
www.gmarecords.com.ph
www.vilmasantos1.tripod.
http://video48.blogspot.com/2008/11//movies-of-marilou-diaz-abaya.html
http://www.feedagg.com/feed/17055807/CE-Learning-Students
http://www.youtube.com/watch?v=bpuTkgKJRKw
Ang Ibong Adarna (1955).” The Internet Movie Database. imdb.com, n.d. Web. 24 June 2010. Akin ang salin.
“Ibong Adarna (1941) Film.” WikiPilipinas: The Hip ‘n Free Philippine Encyclopedia. wikipilipinas.org, 24 January 2008. Web. 24 June 2010.
“(Ibong Adarna 1941 movie poster).” Photograph. video48.blogspot.com. video48, 08 December 2009. Web. 24 June 2010.

Malaking Tanong

Sumulat ng paglalagom ukol sa mga natipong impormasyon kung paano naging popular ang dulang pantelebisyon at pampelikula kaya lumaganap sa  Asya. Dugtungan ang pahayag.

Dahil sa___________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Kaya ______________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

Gumawa ng buod ng binasang Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pantelebisyon/ Pampelikula gamit ang tsart.

45 thoughts on “Excellence

  1. David Mago-Excellence says:

    Nakatulong ang online activity na ito dahil tinuruan ako nito na palawakin ang aking kaalaman sa pagsasalin-wika ng isang teksto. Karamihan sa mga artikulo na aking nakita ay nasa salitang Ingles kaya napilitan akong isalin sa wikang Filipino ang aking mga kasagutan, na talaga namang tumulong sa akin na palawakin pa ang aking kakayahan. Dahil din sa online activity na ito, lumawak pa lalo ang aking bokabularyo.

  2. Myka Marie Khristine C. Ragma says:

    Nakatulong ang online activity na ito sa pagpapaunlad ng aking kaalaman dahil ;
    Una – Hindi katulad ng mga offline o written activities na pabalik-balik ka pa sa internet upang mahanap mo ang kinakailangan mo. Samantalang sa online activities, ang mga impormasyon ay andito na agad-agad
    Pangalawa- Ito ay hindi time-consuming at mas gamay na gamitin ng mga kabataan ngayon. Nahasa naman nito ang aking pagsulat at pagbasa sa pamamagitan ng mga links na nasa itaas ^. Dahil dito sa online activity, maari mong tignan o isearch ang mga tamang gramatika, semantika, at kung anu-ano pa namakatutulong upang malinang ang iyong mga kakayahan sa asignaturang Filipino.
    – Myka Marie Khristine C. Ragma
    III- Excellence

  3. casselleton says:

    TON, Casselle Jannica A.
    Ang online na gawaing ito ay nakatulong sa pagpapaunlad ng aking kaalaman at paglinang sa kasanayang pagsulat at pagbasa sa paraang:
    -ang mga nakatalang sanggunian dito ay naghahayag ng mga impormasyon tungkol sa dulang pantelebisyon at pampelikula na mahahalaga.
    -madami akong nakilala sa larangan ng dula
    -mas lumalim ang pagkaintindi ko sa dulang pantelebisyon at pampelikula
    -nadagdagan ang aking kaalaman sa kung paano isinasagawa ang mga dulang pantelebisyon at pampelikula
    -ngayon, nadagdagan ang dahilan kung bakit dapat pahalagahan ko ang mga dulang gawa ng pinoy
    🙂

  4. Ang online activity na ito ay nakatulong sa paglinang ng aking kaalaman sa kasanayang pagsulat at pagbasa sa pamamagitan ng pagiging inter-active. Hindi rin ako nagambala sa time-pressure sa karaniwang nangyayari sa classroom, dahil dito, maari mong sagutin kung kailan mo gusto at maari ka pang magtanong sa iba ng inpormasyon o linawin sa iba ang mga hindi mo naiintindihan o nauunawain. Ito ay madali lang dahil sa pagkabihasa ko sa teknolihiya, mas madaling gawain at unawain.

  5. Ang Online Activity na ito ay nakatulong sa akin at iba pang estudyante dahil nakatulong iyon sa pag linang ng aking isipan sa pamamagitan ng “inter- active”, Ito rin ay napadali dahil nabigyan tayo ng higit na oras na mag-isip ng ideya kaya walang Time Pressure dito.

  6. Shiela Mae M. Villanueva says:

    Nakatulong ang online activity na ito sa pagpapaunlad ng aking kaalaman at sa paglinang ng aking kasanayan sa pagsusulat at pagbabasa sa pamamagitan ng pag-bigay nito ng agarang impormasyon tungkol sa paksa. Sa maikling oras lamang ay agad na akong natuto o agad akong nagkaroon ng ideya sa paksang pinag-uusapan. Sa bawat pahina din ay nakalagay na ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa. Sa tulong ng iba’t ibang website, mas madaming puwedeng gawing sanggunian para sa impormasyong hinahanap. Kapag mas madaming sanggunian, mas maraming makakalap na impormasyon ang mag-aaral at maaari niya pa itong ikumpara sa isa’t isa. Sa tulong ng Internet at computer, mas napapabilis ang trabaho tulad nalang sa pagsulat, pagbasa, at siyempre sa pag-aaral. May mga videos na maaaring gamitin para sa mas mabilis na pagtuturo. Dahil sa mga ganitong online activities, mas napapabilis ang gawain ng mga estudiyante at maaari naring sa mga guro.

  7. Cacas, Shannon D. says:

    Paano nakatulong ang online activity na ito sa pagpapaunlad ng iyong kaalaman at paglinang sa kasanayan sa pagsulat at pagbasa? -nakakatilong it sa mga tagdang aralin na nakalimutan kung ano yun. at sa pag-pass ng gawain, para sa mga nalilite.

  8. Jc says:

    Ito ay nakatulong ng malaki sa aking pag- aaral sa filipino. Dahil dito, marami akong natutunan tungkol sa kasaysayan ng Pilipinong pelikula. Nadagdagan din ang aking kaalaman sa pagsulat at pagbasa.

    – Judi Paderes
    III- Excellence

  9. Focasan, Stephanie says:

    Focasan, Stephanie Joy T.

    Nakakatulong ang online activity na ito sa akin tungo sa pagkakakilanlan ng Dulang Pantelibisyon at Pampelikula sa Pilipinas. Maslalong lumawak ang aking kaaalaman ukol sa kasaysayan ng dulang Pilipino. Masaya ako at kami’y nabigyan ng online na activity katulad nito dahil habang ginagawa ko itong takdang aralin, napapabukas ako ng bagong tab sa browser at napapasearch ako ng tungkol sa kasaysayan ng dulang Pilipino o mga pelikula nang mga sikat na aktor noong dekada ’90.

  10. Black, Ralph Gerald R. says:

    Black, Ralph Gerald R.

    Pinauunlad ng online activity na ito ang aking kaalaman sa pagsulat at pagbasa sa pamamagitan ng paggamit ng iba pang mga gamit para sa pag-aaral nito. Nililinang nito ang aking kasanayan sa pagsulat at pagbasa sa pamamagitan ng pagbabasa ng kasaysayan ng mga ito at pagbabasa at panonood ng mga dulang pangtelebisyon at dulang pampelikula para ako’y masanay.

  11. Diaz, Zenki P. says:

    Diaz, Zenki P.
    III-Excellence

    Paano nakatulong sa pagpapaunlad ng iyong kaalaman at paglinang sa kasanayang pagsulat at pagbasa ang online work na ito?

    ~ Nakatulong sa pagpapaunlad ng aking kaalaman at paglinang sa kasanayang pagsulat at pagbasa ang online work na ito dahil habang nagsasalaysay upang masagot ang mga tanong, ang mga artikulo sa internet ay hindi lamang binabasa ngunit iniintindi na rin…

  12. Gail C. Tolentino says:

    Nakatulong ang Online Activity na ito sa pagpapaunlad ng aking kaalaman at paglinang sa kasanayan sa pagsulat at pagbasa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aking kakaunting kaalaman tungkol dito. Nakatulong din ito sa akin dahil mas lumawak ang aking kaalaman tungkol sa mga Dulang Pantelebisyon at Dulang Pampelikula. Napaunlad ang pamamaraan kung paano ako naglalahad at umiintindi ng mga pahayag at ipabatid ang iba’t-iba ko na opinyon. Nahahasa rin sa gawain na ito ang aming kaalaman sa Wikang Filipino at tamang Gramatika.

  13. Jeof Erimson M. Onoza says:

    Onoza, Jeof Erimson M.
    III-Excellence

    Ang online activity na ito ay nakatulong sa paglinang ng aking kaalaman sa kasanayang pagsulat at pagbasa sa pamamagitan ng pagiging inter-active. Ako ay isang batang studyante, aktibo ako sa mga gawaing pang-kompyuter. Mas nakaktaulong ito dahil may magagamit akong sanggunian na malawak. Hindi ko rin kailangan magmadali tulad sa eskuwelhan, sa tulong nito ako ay nakakapag-isip at hind nahihirapan sa paghahanap ng sagot. Ang gawaing ito ay madalit dahil may kaalaman na ako sa teknolohiya at kung paanu ito makaktulong sa akin..

  14. Ascrate, Angelica Bernadette O. says:

    Nakatulong ang gawain ito sa pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan sa pag-unawa sa aralin higit lalo sa araling Kaligirang Pangkasaysayan ng Dulang Pantelebisyon/Pampelikula sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aming kaaalaman tungkol dito, at mas napaunlad namin ang aming kakayahan at mas nalilinang naming ang aming mga talento. Ito rin ay nakatulong sa pamamagitan ng pagtulong sa amin para mas mpalawak o malinang ang aming abilidad sa pagsusulat at pagbabasa tungkol dito.

  15. Nakatulong sa pagpapaunlad ng aking kaalaman at paglinang sa kasaysayang pagsulat at pagbasa ang online work na ito dahil nalaman ko kung paano nagsimula ang pelikula sa Pilipinas. Nalaman ko din ang mga mahahalagang pangyayari tungkol sa pelikulang Pilipino, pati na rin ang mga sikat na direktor tulad nina Lino Brocka, ibat ibang mga aktor, at mga genre ng pelikula na ginawa ng mga Pilipino.

  16. Cherish Mae Eunice C. Sanidad says:

    Nakatulong ang online activity na ito sa pagpapaunlad ng aking kaalaman at paglinang sa kasanayan sa pagsulat at pagbasa dahil sa activity na ito, natutunan kong maging masuri sa aking mga binabasa at kailangang maunawaan ang bawat artikulong akong binabasa upang mas madali kong masagot ang mga tanong na ibinibigay ng aking guro. Umuunlad din ang aking kaalaman dahil mayroong mga bagay na hindi ko pa nalalaman hanggang sa nabasa ko dito sa website na ito.

    Dahil din sa online activity na ito, natuto akong magbuod ng mga ideya mula sa iba’t-ibang mga artikulo upang mas mapadali ang aking pag-unawa sa mga aralin.

  17. Christie Anne Castro says:

    Ang online activity na ito ay nakatulong sa pagpapa-unlad ng aking kaalaman at sa pag-linang sa aking kasanayan sa pag-sulat at pag-basa sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon na siyang nagpalawak sa aking alam tungkol sa paksa. Dahil dito lalong nahasa ang aking isipan. Dahil sa online activity na ito, tila nakapaglaan ako ng oras upang basahin ang bawat detalye tungkol sa paksa at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

  18. Mark Manogan Jr. says:

    Manogan Mark Jr. P.
    III-EXCELLENCE

    Nakatulong ito sakin dahil nalaman ko kung paano sumikat at umunlad ang industriyang pantelebisyon dito sa Pilipinas at mas may nalaman pa akong nalaman tungkol dito tulad ni FPJ na tinawag na “Da King” ng Dulaang Pantelebisyon Dahil sa galing nya mag acting. Nalaman ko rin ang kasaysayan ng dulaang pantelebisyon tulad ng taong 1912 na kung saan unang nagpakita ang dulaang pantelebisyon na wala pang “sounds” at puro ginagawa lang ng aktor ang iyong nakita.

  19. Joseph Kenneth says:

    Nakatulong ang online work na ito sakin dahil nalaman ko ang mga mahahalagang nangyari sa pagunlad ng mga dula. Nalaman ko din na may mga dula na pala sa sinaunang panahon at nalaman ko din na si FPJ ay naturingang “da king” dahil sa galing nya sa pag acting.

  20. Reccion, Julianne Cameron V. says:

    Nakatulong itong online work na ito sa amin sa paraang, kami ay natuto na sundin lamang at ianalisa( “analyze” )ang panuto na binigay at gawin ito ng indibidwal. Nakatulong din ito sa paglawak ng aming kaalaman sa mga dulang pantelebisyon at pampelikula dahil sa pamamagitan ng online work na ito, mas naiiintindihan at mas natatalakay nito nang mabuti ang paksa.

  21. Pobre, Ma. Angelica Mae S. says:

    Ang online work na ito ay nagpaisip sa akin at kinailangan ko talagang intindihin ang mga ito habang nagbabasa. Ang ibang teksto na nasa Ingles ay isinalin ko sa wikang Filipino para mas maunawaan ko pa ang mga ipinapahayag nito.

    Lumawak ang aking kaalaman ukol sa dulang pantelebisyon at dulang pampelikula. Nalaman ko kung saan nga ba talaga nagsimula ang pelikula, kung paano ito lumaganap, at kung bakit ito’y napakasikat hanggang ngayon. At kung bakit tinatangkilik ito, ‘di lamang ng mga Pilipino kundi pati na rin ang mga ibang tao.

    Ito ang mga paraan kung paano nakatulong ang online work na ito sa pagpapaunlad ng aking kaalaman at paglinang sa aking kasanayang pagsulat at pagbasa.

  22. vivian tiban says:

    ang online activity an ito ay mas nagpahubog at mas nakapagdagdag ng aking kaalaman, mas marami akong natutunan dahil dito. marami akong nakukuhang iba’t ibang impormasyon sa online activity na ito na mas nagpalawak g aking kaalaman sa kasaysayan.

  23. Carlos Abiera says:

    Paano nakatulong sa pagpapaunlad ng iyong kaalaman at paglinang sa kasanayang pagsulat at pagbasa ang online work na ito?

    Ito ay nakatulong sa pagpapaunlad ng aming kaalaman dahil nasasanay kaming magtuklas ng impormasyon sa aming sarili. Ngunit, posible rin na ma-distract ang estudyante dahil nakukuha ito online kung saan maraming puwedeng maging source ng mga distractions. Pero isa rin itong advantage kung ang estudyante ay matututong mag-prioritize ng kanyang mga gawain.

  24. Calixto, Zyrille C. says:

    Nakatulong ang online work na ito sa pagpapaunld ng aking kaalaman at paglinang sa kasanayang pagsulat at pagbasa sa paraang mas naintindihan ko ang mga ginawang mga pelikula ng mga Pilipino dati. At mas naintindihan ko rin ang ang mga kultura at tradisyon nila dati na pati ngayon ay ginagawa parin ng mga Pilipino ngayon. At nalaman ko rin ang mga taktika ng mga direktor dati, kung paano sila gumagawa ng kuwento at kung paano nila isinusulat ang mga kuwento. At kung saan nila hinahango o kinukuha ang kanilang mga ginagawang mga kuwento.

  25. Puyao, Esrah M. says:

    nakatulong ang gawaing ito saakin sa pagunlad ng aking kaalaman at paglinang sa pagsulat at pagbasa sa kadahilanang mas lumago ang aking kaalaman tungkol sa mga pelikula ng pilipinas kaya naman nakakasiguro akong tama ang mga impormasyon na aking naisulat at may ideya na ako sa mga istilong ginamit ng mga manunulat noon.

  26. Jessa B. Bidang says:

    Nakatulong ang online activity na ito sa akin sa paraang nalaman ko ang kasaysayan ng dula at mas naintindihan ko pa ang aralin dahil dito.

  27. atngag, chantal a says:

    nakakatulong ang online activity na ito sa pagpapaunlad sa kasanayan sa pagsulat at pagbasa dahil: sa online activity na ito ang mga estudyante ang kailangang maghanap at magbasa ng mga artikulo upang makatulong sa pagsasagot ng mga tanong .

  28. Jervin Paul Gahid says:

    naka tulong ito sa pamamagitan ng pagtulong sa akin na malaman ang kasaysayan ng pantelebisyong pilipino

  29. THURS, Reba A. says:

    Nakatulong ang online activity na ito sa pagpapa-unlad ng aking kaalaman at paglinang sa kasanayan sa pagsulat at pagbasa kasi maraming nakasaad na importanteng mga impormansyon sa activity na ito at nalinang ang kasanayan ko sa pagbasa dahil binabasa ko lahat ng mga website na binigay dito at marami akong natutunan tungkol sa paksa. Mas madali rin magsaliksik ng mga bagay na gusto mong malaman. Naka-buod na rin ito, at naipapapakita agad ang mga importante na mga detalye at mga may ugnay sa paksa.

  30. Joaquin Torres says:

    Joaquin Rio V Torres- Nakatulong ang online activity na ito dahil para saakin, mas madali kong niaiintindihan ang mga aral kung ito ay nakalagay sa website. Nakatulong din ito dahil mas madaling ma “access” and mga ito dahil sanay na ako sa pag click at pag unawa sa ganitong mga topic

  31. Roandrei Mariñas says:

    Ang Online Activity na ito ay nakutolong sa pagpapaunlad ng aking kasanayan sa pagbasa at pagsulat dahilan sa ito ay akma sa ating kapanahunan na kung saan ang paggamit ng teknolohiya tulad ng kompyuter ay laganap sa aming kabataan. Ang online activity na ito ay nakatulong din sa pagpapaunlad ng aking kasanayan sa pagbasa at sa pagsulat dahil ito’y naging daan upang mahubog ang aking kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng mga iba’t ibang sanggunian na nagbibigay ng iba’t ibang mga impormasyon na nagpapalawak ng sakop ng aking kaalaman di gaya ng libro na kung saan ang sakop na impormasyon ay limitado sa mga limbag na laman nito.

  32. Aprille says:

    Nakatulong ang online activity na ito sa pamamagitan ng pagpapalago ng aking kakayanang magsaliksik gamit ng libro at internet. Nakatulong din ito sa pagdagdag ng mga kaalaman ko patungkol sa Kasaysayan ng Pelikula sa pamamagitan ng pagbasa ng mga artikulo sa internet at pagsalin sa wikang Filipino kung ito ay nasa wikang Ingles.

  33. Jannah Jobe Fawayan says:

    Nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sa dulang pantelebisyon at pampelikula dahil online work na ito. Nagkaroon din ako ng karunungan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng dulang pantelebisyon at pampelikula pati na rin kung paano ito umunlad at lumaganap sa Pilipinas at sa Asya.

  34. Maraming salamat sa pakikibahagi at pakiki-isa sa gawaing ito. Naway naging makabuluhan at nakapagbigay ng epektibong pagkatuto ang araling ito. Hanggang sa muli.

  35. Lynette Aisha R. Vilanueva says:

    nakakatulong ang online activity sa pagpapaunlad ng aking kaalaman at kasanayan sa pagsulat at pagbasa dahil maraming mga resources ang pwede kong basahin upang masagot ang aking mga katanungan mayroong din mga video at larawan na tumutulong sa pagintindi ko sa mga bagay. : )

  36. Megan Marie C. Umali says:

    Ito ay nakatulong sa akin sa pagpapaunlad ng aking kaalaman sa kasanayan ng pagsulat at pagbasa at paglinang nito sa tulong ng araling ito. Nabigyan pansin ko na ang binibigyang pansin sa dulang pampelikula at pantelebisyon ay ang kultura nating mga Pilipino. Sinasadyang gawin ito para mamuklat ang ating mga mata sa totoong mundo. Paano natin kakaharapin ang mga suliraning mga hinaharap at pagtulong na rin sa mga kababayang nahihirapan dahil dito. Sinanay tayo ng mga ito sa ating pagsusulat dahil ang pelikula ay kinakailangan ng mga elemento na makakapasa na maging isang palabas, ang nilalaman ay isa sa mga importanteng elemento na binibigyang tuon. Ang pagbasa ay isang kinakailangang kasanayan sa mga dula dahil ito’y nagsasaad o tinetest ang isang kaalaman ng estudyante kung alam nito ang tamang paggawa ng isang iskripto o kung paano ito i-edit kung kailangan.

  37. Ethnica Jaya B. Carantes says:

    Nakatulong itong gawain na ito sa pagpapaunlad ng aking kaalaman dahil sa madaming sanggunian o references na nakapagdadagdag ng kaalaman tungkol sa dulang pantelebisyon at pampelikula at ito rin ay magandang pagmulan ng mapagkukunan ng impormasyon. Itoy nakatulong sa paglinang ng pagsulat at pagbasa sa pamamagitan ng pagiintindi habang binabasa at pagsanay sa sarili na magsulat at sagutin ang tanong gamit ang mga impormasyon na nakuha. At masaya din gumawa ng mga gawain sa internet.🙂

  38. Vicente, Kay P. says:

    Sa pamamagitan ng online na activity na ito ay mas napaunlad namin ang aming mga kaalaman tungkol sa mga dulang pampelikula at pantelebisyon sa pamamagitan ng pagbasa sa mga sangunian at iba pang ‘sources’ na pwede naming mahanap online.

  39. Nikeesha Mae A. Ramos says:

    nakatutulong ang online activity na ito sapagkat ito ay naging “strategy” sa pagsagot sa mga tanong ng bloh ng excellence

  40. Sa aking pagkakaalala, ito ang pinakaunang online work na ipinagawa sa amin. Medyo nakakapanibago pero ayos lang naman. Ang paggawa ng gawaing ito ay hindi naging madali dahil maraming bagay ang kailangang i-consider. Hindi lahat ng mag-aaral ay may access sa internet sa bahay ngunit mayroon nga namang computer shop. Hindi rin lahat ay nagkaroon ng oras para sa gawaing ito, mayroong iba na nalagay sa mga sitwasyong hindi talaga sila makakagamit ng internet, katulad ng kumpetisyon, kaya medyo huli sa paggawa ng gawaing ito at magreply. Hindi ko naman sinasabi na hindi maganda ang pagpapagawa sa mga estudyante ng mga online work, sa katunayan mas nakakatulong ito. Hindi katulad sa silid-aralan na kung anong libro lang ang mayroon ka ay iyon na lamang ang reference na magpagkukunan mo. Sa paggawa ng online work, mas maraming mapagkukunan ng kaalaman dahil maraming gumagamit ng internet kaya’t marami ring nagbabahagi ng kaalaman. Dahil nga sa marami kaming mahahanap na sources, medyo nakakasakit ng ulo, nakakapagod at nakakaantok dahil sa dami ng binabasa, medyo lang naman. Sa paggawa nito, sa tingin ko’y natutuhan kong pahabain ang aking pasensya dahil nga hindi ko maintindihan ang iba at magsipag dahil kailangan ko talagang gawin ito kaya wala akong magagawa. Sa katunayan, lumabas kami ng aking mga kaibigan upang magkaroon ng diskusyon ukol sa gawaing ito. Medyo nagkaroon ng komplikasyon dahil dalawang gawain ang aming ginagawa. Ang isinasaad sa panuto dito ay pangkatang gawain ito ngunit walang sinabi ang aming guro kaya’t hindi kami bumuo ng mga grupo. Nagtanong ako sa iba ngunit sabi nila’y nag-individual sila kaya nag-individual na rin ako sa paggawa nito pero kinailangan ko ang tulong mula sa mga kaibigan ko. Hindi nga naman ito basta basta kaya’t napagdesisyonan naming magkita-kita. Salamat na rin dito at nakalabas kaming magkakaibigan dahil matagal na noong huli kaming lumabas na magkakasama ngunit hindi kami naglakwatsa o naglaro kahit saglit sa quantum, pinagtuunan talaga namin ito ng pansin.

  41. Vaughn Dela Cruz says:

    #1

    Lumaganap ang dulang pantelebisyon at pampelikula sa Asya noong Dekada ’50, noong ginamit ang mga camera na pinag-dokumenta sa mga labanan ay ginamit para gumawa ng pelikula, na para sa sariling wika ng mga taga-asya.

    #2

    1950’s-1960’s ang Ginintuan panahon ng Palikulang Asyano, Dito lumabas ang mga makabagong teknolohiya para sa mga pelikula.

    #3

    Lumganap ang mga sumusunod na mga pelikula
    • 1980: Brutal
    • 1983: Moral
    • 1984: Karnal

    • 1995: Milagros
    • 1996: Sa Pusod Ng Dagat
    • 1998: Jose Rizal

    • 1999: Bagong Buwan
    * 1999: Muro Ami

    #4

    Linalahad ang adapsyon na palabas para umangkop sa linguahe at kultura na umaadap nito.

    Malaking Tanong)

    Dahil sa paglago ng teknolohiya
    Kaya ang mga dulang pantelebisyon at pampelikula ay mas gumanda.

    Paano nakatulong sa pagpapaunlad ng iyong kaalaman at paglinang sa kasanayang pagsulat at pagbasa ang online work na ito??

    Napilitan akong magbasa ng mga artikulong di ko binabasa, atdoo nadagdagan ang aking kaalaman. Naka tulong talaga ito

  42. michael mark solda says:

    nakatulong ang online work na ito sakin dahil nalaman ko kung paano nagsimula ang mga dula at kung paano ito umunlad

  43. ANSWER NO 1.
    1. Paano lumaganap sa Asya ang dulang pantelebisyon at pampelikula? Nagsimula ang dulaan at pelikula noong 1919 na sinimulan ng mga Filipino at nagging malaki din ang kontribusyon ng ibang bansang mananakop gaya ng Europe at America. Lumaganap ang dulang pantelebisyon at pampelikula sa Asya noong Dekada ’50, na sinasabing “Gintong Panahon ng Pelikula” at nagsimulang umusbong . At si Jose Nepumuceno ang tinanghal na “ FATHER OF FILIPINO MOVIES” at siya ang unang nakagawa ng “film”.
    2. Ano ang sinasabing Ginintuang Panahon ng Pelikula? Bakit ? Noong 1950 binansagang itong ” Ginintuang Panahon ng Pelikula”, dahil ditto napaunlad ang mga taktika sa larangan ng pampelikula at dulaang pantelibisyon at ito ay lumaganap pa dahil sa pagkakaroon ng mga gantimpala sa ibang lugar sa mundo.
    3. Ano-ano ang mga pelikulang lumaganap at sumikat sa Ikalawang Ginintuang
    Panahon ng Pelikulang Pilipino”?
    • 1980: Tanikala
    • 1980: Brutal
    • 1983: Moral
    • 1984: Karnal
    • 1985: Baby Tsina
    • 1995: Milagros
    • 1996: Sa Pusod Ng Dagat
    • 1998: Jose Rizal
    • 1999: Muro Ami
    • 1999: Bagong Buwan
    4. Paano inilalahad ang palabas na orihinal at adapsyon na teleserye o pelikula? Maipapakita ito sa pamamgitan ng pagkabuo ng teleserye o pelikula maari din ito maipakita sa pamamagitan ng paksa nito kung anu ang tema nito, anung mga kaugalian ang maipapkita dito, anung mga lenguahe at iba pa. maiapakita ito sa mismong pagkagawa ng isang pelikula o telserye.
    ANSWER NO 2.
    Malaking Tanong
    Sumulat ng paglalagom ukol sa mga natipong impormasyon kung paano naging popular ang dulang pantelebisyon at pampelikula kaya lumaganap sa Asya. Dugtungan ang pahayag.
    Dahil sa_hilig ng mga tao sa dilang pantelebisyon at pampelikula ito ay lumaganap sa ibat ibang lupalop ng mundo at hindi lng ito umusbong sa Pilipinas maging sa buong Asya at ito ay napaunlad ng bawat isa na nagsimula sa tradisyonal hanggang sa pinakamodernong kalinangan.
    Kaya dapat pa itong pagyamanin at hindi lng dapat ito basta basta maliitin dahil ito ay isang kayaman na mapapaunlad pa ng susunod na henerasyon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s