Pagbuo ng Sariling Pananaw

Ibahagi ang sariling pananaw kung bakit dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino.

Mga Pamantayan
naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw at nabibigyang komento at napapalawak din ang artikulong nai-post ng kaklase.

100 thoughts on “Pagbuo ng Sariling Pananaw

  1. Pobre, Ma. Angelica Mae (III-Excellence) says:

    Sa aking sariling pananaw, dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino upang ang mga dula o pelikula ay maging kaaya-aya at madaling maintindihan. At kapag may literasi/kabihasnan/karunungan sa dulang pantelebisyon at pampelikula, mas maganda at maunlad ang magiging produkto at dahil dito, ito’y hahangaan at mas lalo pang tatangkilikin.

  2. Camat, Lyza Mae F. (III-Idealism) says:

    Kailangang magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino dahil ito ay isa sa mga paraang may pinakamalaking impluwewsya sa tao na kung saan kailangan ay maganda ang maidudulot nito sa atin. Ito ay maghuhulma sa ating ugali at paniniwala at dapat lamang na ang mga pag-uugaling ito ay karapat-dapat o kanais-nais. Ito rin ay isang paraan kung saan ang mga tao, lalo na ang mga tinedyer, ay may matututunang aral mula sa kanilang pinanuod na magagamit nila sa totoong buhay kagaya na lamang ng mga teleserye na tungkol sa mga relasyon na tumatahak sa maling landas at dito na matututo ang mga manunuod. Kailangan din ng literasi upang maintindihan nang mabuti ng manunuod ang ideya o mensahe na ibig ipahiwatig o iparating ng kanilang pinapanuod. Dahil dito, napapaisip ang manunuod at maibabahagi ang kanyang sariling pananaw o opinyon tungkol sa kanyang pinapanuod.

  3. Para sa akin mahalaga ang pagkakaroon ng literasi sa mga dula at pelikulang Pilipino nating mga pinoy para sa pagkakaroon ng pagkakaunuwaan at para maintindihan natin ang mga nakapaloob sa mga dula at pelikulang pinapanood natin. Dapat alam natin kung ano ang nasa likod ng screen at kung ano ba talaga ang mga elementong nakapaloob dito. Hindi yung nanood lang tayo, tapos tapos na.

    Mahalaga rin ang pagkakaroon ng literasi dito dahil ang mga dula at pelikulang Pilipino ay isa sa mga natatanging sining na maipagmamalaki natin. Kailangan nating magkaroon ng sapat na kaalaman rito para kung sakaling darating ang panahon na tayo mismo ang magpapatuloy at magtataguyod ng mga ito para sa mga susunod na henerasyon, alam natin ang gagawin natin at maganda ang kakalabasan ng ating gawa.

  4. Mahalagang magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino dahil maaari itong maging isang paraan upang mahikayat ang mga manunuod na tangkilikin ang kanilang Pelikula. Ang maunawaan ng mga manunuod ang Pelikula ay isang hudyat na maganda ang literasi ng Dula. Ang literasi ay isang importanteng elemento upang makaubo ng isang matagumpay na Pelikula.

  5. Ibahagi ang sariling pananaw kung bakit dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino.

    Mga Pamantayan
    naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw at nabibigyang komento at napapalawak din ang artikulong nai-post ng kaklase.

    Dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino para mas maunawaan nila ang kanilang pinapanood na pelikula o teleserye. At para mas magkaintindihan sila ng kanilang ideya na gusto nilang ipahayag sa kanilang manonood. Kasi kung hindi na sila nagkakaintindihan wala nang saysay ang kanilang teleserye o pelikula. At sa paraan na ito maaring umunlad ang ating sariling dulgng pantelebisyon at pampelikula.

    Ballano, Ida Andrea G.
    III-Idealism ♥

  6. Reccion, Julianne Cameron V. says:

    importante na magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Pilipino dahil sa ganitong paraan pa lamang ay makikita na ang galing ng isang bansa pati na rin sa larangan ng paggawa ng mga pelikula. Ito ay madalas na makikita sa iskrip ng pelikula. Importante ito dahil pag mayroong literasi ang nga dulang
    pelikula at pantelebisyon, mas tatangkilikin ito ng mga manonood hindi lamang sa ating bansa, ngunit pati narin sa mga karatig bansa dahil sa mahusay na pagsulat at pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa pelikula. Ang literasi din ay hindi lang sa pagsulat ng iskrip, ngunit pati sa pag”deliver” ng mga linya ng mga aktor at aktress ng pelikula pati narin ang tamang pag “pronounce” ng mga salita. Sa pagkakaroon ng literasi, mas masasabi talaga natin na world class ang mga pelikulang Pilipino.

  7. michael mark solda says:

    Excellence: Ang pagkakarooon ng literasi ay kailanan upang maihiwatig sa mga mononood ang gustong ipahiwatig ng panood. Kailangan din ito upang maintindihan ng mga manonood ang pelikula o panood

  8. Pariñas, Laurence Theo M. says:

    Dapat magkaroon tayo ng literasi sa dulang pantelebisyon upang may kaalaman tayo tungkol sa ating napapanood upang hindi tayo maging ignorante sa bagay na ito.

  9. Erielle R. Sibayan
    III – Idealism

    Sa aking opinyon marapat lamang na magkaroon ng literasi ang dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino dahil ang mga ito ay ang repleksyon ng ating bansa. Hindi lamang dahil Pilipino ang mga gumanap at gumawa ng pelikula kundi dahil nakapaloob din dito ang ating kultura at iba pang aspeto ng pamumuhay dito. Nararapat din ito dahil ang dulang pantelebisyon at pampelikula ay siyang tinatangkilik ng mga manunuod at ng mga nakararami, kung kaya’t mainam itong maging instrumento ng pagkatuklas at pagtama pa ng mga istilo sa pagbabasa at pagsusulat na mayroon na ang mga Pilipino sa panahong ito. Dito rin sa literasing ito nakasalalay ang mas magandang pagkahatid ng impormasyong maging ng mga pagpapahalaga. Naitataguyod din nito ang maayos na komunikasyon ng masa at ng mga natataong problema sa panahong ito.

  10. Demayo, Angelo Loranzo D. (III-Idealism) says:

    Dapat lang na magkaroon ng literasi sa mga dula at pelikula natin dahil isa ito sa mga importanteng elemento ng paggawa ng mga pelikula’t dula. Dapat alam natin na hindi lang ang Pilipinas ang nanonood sa atin kundi ang buong mundo rin ay maaaring makita ang mga pelikula at dula mula sa ating bansa. Kapag wala tayong literasi, magigimg mababaw ang paningin ng ibang tao sa ating mga aktor/tagagawa ng script at tuluyan na bababa rin ang pagtingin ng mga tao sa pelikula sa sarili. Kapag mayroong literasi ang mga dula at pelikula natin, maaaring mamamangha ang iba’t ibang tao sa ating pagbigkas ng mga salita at mas madali ang komunikasyon at maipapatupad nito ang nais ipatupad na mensahe ng direktor sa mga viewers.

  11. Gabriel Sabando says:

    Para sa akin kailangan ng literasi sa mga dulang pantelebisyon at pelikula dahil sa pamamagitan nito nakukuha nating mga manonood ang gustong ipahiwatig ng gumawa nito sa atin sa pamamagitan ng ating mga nakikita o napapanood at naririnig. Mahalaga ang literasi dahil ito ang pamamaraan kung paano nagkakaintindihan ang mga taong nanonood at mga taong gumawa ng dula.

  12. Oriana, Christiane A. (III-IDEALISM) says:

    Sa aking pananaw, ay nararapat lamang na magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino, sapagkat, ang mga dulang pampelikula at pantelebisyon ay isa sa mga paboritong libangan ng mga Pilipino ngayon. Kaya upang mas lalo pa nating maunawaan at maintindihan ang mundo ng mga uri ng dulang ito, dapat na may literasi ito. Dahil din dito, maaaring magkaroon ng pagkaka-isa tayong mga Pinoy dahil magkakaroon tayo ng iisang pagkakaintindi at iisang damdamin sa kahiligang panlahat. Sa madaling salita, mapapalawak din ang kaalaman ng bawat isa.

  13. Leanza Kate G. del Rosario says:

    Importante na magkaron ng literasi ang dulang pantelebisyon at pampelikula upang hindi tayo maging inosente tuwing may isang bagay na may kaugnayan sa dulang pantelebisyon at pampelikula. Ito rin ay makakatulong upang mas linangin pa natin ang ating kaalaman at upang mas maipalawak pa natin ang ating unawa tungo sa dulang pantelebisyon at pampelikula. At kapag lalo pa nating naiangat level ng ating kakayahan sa paggawa ng mga dulang pantelebisyon at pampelikula, lalo pa nating mapapaunlad ang ating katalinuhan, at mas dadami ang taong higit na ipagmamalaki ang ating bansa dahil sa galing nating gumawa ng mga pelikula at teleserye.

    III-Discovery

  14. Mahalagang magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino. Para naman alam natin kung ano ang pinapanood natin at lubos nating maintindihan ang mga ito. Matututo tayong gumawa ng mga pelikulang maiintindihan ng ibang bansa, na kung saan maipagmamalaki talaga natin ito. Dapat din ay may sapat tayong kaalaman para naman maintindihan natin ang ating mga pinapanood, dahil kapag naiintindihan mo ang iyong pinapanood, mas tatagal ito sa iyong isip at makakapagdulot ito ng mga nagbabagang damdamin,

    III-DISCOVERY

  15. Calixto, Zyrille C. says:

    Sa aking palagay mahalaga ang pagkakaroon ng literasi sa mga dula at pelikulang Pilipino upang magkaroon tayo ng pagkakaintindihan at upang hindi na magkaroon pa ng gulo at para na rin maunawaan ng ibang tao kung ano ba talaga ang ipinahihiwating ng dula o ng pelikulang pinapanood natin. Kung wala namang literasi ay walang mag-aabalang manood ng pelikula o dula na ating pinapanuod at para narin maka-relate ang mga taong nanonood ng dula o pelikulang Pilipino. Syempre ang literasi rin ay isang bagay na nagpapaganda sa isang dula o pelikula.

  16. LOSTE, Kathleen D. says:

    LOSTE, Kathleen D.
    III-Idealism Ü

    ▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓▒▓

    Sa makabagong panahon ngayon, kung saan isang pangunahing libangan ng mga Pilipino ang panunuod ng mga dulang pantelebisyon at pampelikula, isang napakahalagang salik ng literasi tungkol sa mga ito. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan:

    1.) Malaki ang ginagampanang papel ng mga dulang pantelebisyon at pampelikula sa paglinang sa kaalaman at pag-unawa ng mga manunuod tungkol sa iba’t-ibang mga bagay o isyu sa mundo. Minsan, ang mga guro sa paaralan ay gumagamit ng mga edukasyonal na mga dulang pantelebsyon o pampelikula para mas maintindihan ng mga mag-aaral ang mga lessons nila. Kaya naman, importante ang literasi sa mga ito para makagawa ang mga Pilipino ng kawili-wili, makabuluhan at siksik sa kaalamang mga dula.

    2.) Maraming mga bata ang nanunuod ng mga dulang pantelebisyon/pampelikula. Makatutulong sa mga magulang ang literasi tungkol sa mga ito upang malaman nila ang angkop na “rating” ng mga dula na maaari nilang ipahintulot sa kanilang mga anak upang panuorin. Sa paarang ito, mababawasan ang mga masasamang impluwensya na dulot ng panunuod ng mga bata sa mga dulang naglalaman ng mga maseselang tema, karahasan, sekswal, horror o droga.

    3.) Kung walang literasi ang mga Pilipino sa mga dulang pantelebisyon/pampelikula, hindi sila makakagawa ng isang dulang makakapagpadama ng emosyon sa mga manunuod. Maaaring dahil dito, hindi na tangkilikin ng mga Pilipino ang mga ito at baka ikahiya pa sa ibang tao.

  17. Jedida Cabanlong, III-Discovery says:

    Dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at dulang pampelikula upang maipahiwatig nang mabuti kung ano man ang gustong ipakita ng dulang pinapanood, o maintindihan ng manonood ang mensahe na nais iparating ng isang palabas. At kung naiintindihan nga ng manonood ang nais iparating ng isang dula, nagkakaroon siya ng bagong impormasyon o natututo din siya ng mga bagay-bagay na pwede niyang magamit o maisagawa. Hindi lang naihahatid ang mensahe, pero nagbibigay din ng bagong kaalaman. Kaya dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon o pampelikula. Ito rin ay para sa pagpapaunlad pa ng mga palabas na makatutulong o makapagbibigay ng kaalaman sa iba pang mga tao.

  18. Geanne Samantha Samia(III-Idealism) says:

    Sa tingin ko, kailangang magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Pilipino sapagkat kailangang maintindihan, malaman at maramdaman ng mga manunuod ang kanilang pinapanuod. Kung walang literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ay hindi maiintindihan ng mga manunuod ang dula o pelikulang pinapanuod. Sa panunuod, naniniwala akong hindi lamang ang mata’t tenga lamang natin ang dapat na nabubusog. Kailangang mabusog din ang puso’t kaluluwa natin sa mga aral tungkol sa totoong buhay dahil iyon ang tunay na batayan kung may silbi nga ba ang ating pinanuod. Kung wala ang literasi, hindi iyon maisasakatuparan dahil walang maiintindihan ang mga manunuod. Isa pang dahilan kung bakit dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Pilipino ay kailangang may nalalaman tayo tungkol sa ating sining dahil sa pagkakataon na kailangan nating itaas ang bandera ng Pilipinas, nandoon dapat ang mga Pilipino na naiintindihan at naipagmamalaki ang sariling sa kanila na hindi lamang humahanga sa gawa ng iba.

  19. aimee alindayo, III-Idealism says:

    mahalaga ang pagkakaroon ng literasi sa mga dula, palabas at iba pa upang maintindihang nila ang palabas, mabigyan ng aral ang mga manonood. Minsan rin kas, ang mga nakikita ng mga manood,kagaya ng bata, ginigaya nila ang mga ibang eksena sa palabas at ianapply nila ito sa totoong buhay. Ito rin ay para rin sa kanilang pansariling kaalam sa nangyayari sa dula kung ano mensahe ng dulang pantelebisyon at pampelikula sa manood nito.

  20. Diaz, Zenki P. (Excellence) says:

    Ang pagkakaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ay nakatutulong sa paglikha nito. Ang dulang pantelebisyon at pampelikula ay isang napakalaking pinagkukunan ng pagka-aliw sa panahong ito kung kaya’t kung ikaw ay marunong sa paglikha at sa mga bagay-bagay na tungkol dito, ikaw ay makakagawa ng piyesa o komposisyon na magpapahanga sa marami.

  21. Christie Anne Castro says:

    Para sa akin mahalaga ang pagkakaroon ng literasi sa mga dulang pantelebisyon at pampelikulang Pilipino dahil ito ay nakakatulong upang maunawaan ng manonood o tagasubaybay ang mensaheng nais iparating. Dahil sa literasi, mas maiintindihan ang nais ipaalam ng dula.

    Ang literasi sa mga dulang pantelebisyon at pampelikulang Pilipino ay mahalaga rin sa paraan na ito ay nagpapalinaw ng mga ideyang napapaloob sa kwento ng dula.

  22. sheridunn kate daoay says:

    mahalaga ang literasi sa pampelikulang Pilipino dahil mas naiintindihan ng mga manunuod ang kanilang pinapanood at upang magkaroon ng komunikasyon sa pagitan ng mga magtatanghal at manunuod.
    III-IDEALISM

  23. Mara Nadine C. Sison III-Discovery says:

    Mahalaga na magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang Filipino upang maipamamalas naming mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa ng mga dula. Mas mapapahusay din namin ang paggawa ng mga dula na mayroong mas magandang kalidad at mas makabuluhan. Mas mapupuri din namin ang mga dulang gawa na Pilipino kapag alam namin ang mga dapat at hindi dapat sa mga ito.

    Kilala tayong mga Pilipino na malikhain at may natatanging galing sa paggawa ng mga dula. Higit natin itong mpapalawak kung ito mismo ay maituturo sa ating mga mag-aaral. Mas maiintindihan natin ang kahalagahan ng paglalapat ng musika, pagkuha sa iba’t ibang anggulo ng kamera, at pagsulat ng iskrip na makakakuha ng atensyon sa mga tagapanood.

  24. Sosing, Crisha Korina T. (III-Idealism) says:

    Sa aking pananaw, mahalaga ang pagkakaroon nating mga Pilipino ng literasi sa mga dula at pelikulang atin sapagkat ang pelikula ay ang wika kung saan lahat ay nagkakaintindihan. Nagkakaroon dito ng interaksyon ang mga manonood. Ito rin ang may pinakamalawak na impluwensiya dahil sa paraang ito naipahahayag nang maayos sa mga manonood ang mga sitwasyon at mga katangian na tiyak na nauunawaan ng mga manonood. Bukod dito, ang literasing ito rin ang susi sa pagpapalawak at pagpapayabong ng kulturang Pilipino, lalo na sa aspeto ng mga pelikula at teleserye. Kung wala ang literasing ito, maaring matigil ang paggawa ng mga maaayos na produksyon, kung saan ang industriya ng pelikulang Plipino ay tiyak na babagsak.

  25. Mary Bernadette M. Lapena (III- Idealism) says:

    Para sa akin, mahalaga ang pagkakaroon ng literasi sa mga dulang pantelebisyon at pampelikula dahil sa ating bagong nghenerasyon ay wala na atang tao na hindi tumatangkilik sa ganitong klase ng Sining, at para mas maunawaan mo ang iyong mga sinusubaybayan kailangan ay may literasi ka sa mga ito. Tulad nalang ay dapat alam mo ang mga elemento ng ganitong sining upang mas maunawaan mo ang daloy nito.

  26. Reavy Jhen Fumbuena says:

    Reavy Jhen R. Fumbuena
    III-Idealism

    Naniniwala akong kailangang magkaroon ng literasi sa dulang pantelibisyon at pampelikula ang mga Pilipino dahil nagiging daan ito upang ang mga nasa likod ng pelikula at mga manonood ay nag-uugnayan. Isa itong uri ng komunikasyon. Kung gusto ng isang director o iba pang tauhan sa likod ng pelikula na ipahayag ang kanilang pananaw, hindi ba’t nararapat lamang na magkaroon ng kaalaman sa pagsulat at pagbasa upang malinaw itong makarating sa mga manononod? Tinuturing ko ring mahalagang elemento ang literacy sa pelikula dahil sa unang hakbang pa lamang sa paggawa ng pelikula, kinakailangan na ng pagkatuto sa pagsulat at pagbasa. Ito ay kailangan sa iskrip ng kuwento na siyang ginagawang gabay sa paggawa ng pelikula. Kailangan ring pili at angkop ang mga ginagamit nating mga salita, o iyong nilalaman mismo ng pelikula dahil ayon na rin sa mga nasabi ng mga naunang nagbigay kumento , ito ay instrumento sa pagkatuto at pag-aaral lalo na ng mga kabataan.

  27. Sa aking palagay, isang mahalagang elemento ang literasi sa pelikula at teleserye. Bukod sa mas naiintindihan ng mga manonood ang mga pangyayari, makatutulong rin ito upang maitaas ang literacy rate ng ating bansa.
    Alam naman natin na ang panonood ng pelikula at teleserye ay labis na kinagigiliwang gawin ng mga Pilipino. Ang panonood ng mga palabas ay isang naka-ugaliang gawain ng mga Pilipino. Dahil nga sa marami na rin ang nanonood dito, maaari itong gamitin na isang instrumento upang matutong bumasa ang mga Pilipino. Maraming Pilipino ang hindi marunong bumasa ngunit kung gagamit tayo ng mga palabas na may literasi, maaaring tumaas ang bilang ng mga Pilipino na marunong bumasa at pati na rin sa pagsusulat.
    Mahalaga rin ito upang matututo ang mga kababayan nating hindi marunong magsalita ng Tagalog sa pagsasalita ng ating sariling wika. Sa ganitong paraan, magkakaintindihan tayong mga Pilipino kahit saan mang parte ng bansa tayo mapunta.

  28. Dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Filipino dahil ito ay mabisang paraaan upang makipag-ugnayan sa mga manonood patungkol sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay. Isa ring kahalagahan nito ay ang pagkakaroon ng pagkakaintindihan sa pelikulang pinapanood natin.

  29. Roandrei Vylo D. Mariñas says:

    Roandrei Vylo D. Mariñas
    III-Excellence

    Sa aking paniwala, ang tinutkoy sa paksa na literacy ay hindi ang literacy tungkol sa pagbasa at pagsulat kundi ang mas malalim na pagintindi sa kahulugan ng dulang pangtelebisyion at pampelikula. Halimbawa, sa isang teleserye dapat alaman natin ang mga sinisimbolo nang kilos o mga sinasabi ng mga tauhan sa palabas.

    Sa aking pananaw, mahalaga na magkaroon ng literacy sa panonood ng palabas na gawa natin dahil magdudulot ito ng mas malawak na pagintindi sa mga konsepto na taglay nito. Hindi tayo maliligaw sa maling pagkakaintindi sa mga nais nitong ipahayag.

    Sa ating panonood ay dapat hindi lamang ang mag literal na ideya nito ang ating makita kundi ang mas malalim na kahulugan nito. Gaya na lamang ng mga dula ni Shakespeare kung saan mahirap intindihin ang kahulugan ng istorya ngunit kung iyong maintindihan at pag-aaralang mabuti, makikita mo at mapapahalgahan ang taglay na itong sining.

  30. Jerevy V. Espiritu says:

    Espiritu, Jerevy V.
    III-Discovery

    Dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Pilipino sa kadahilan nang ito ang nagsiisilbing pinakapopular na libangan natin kung saan parang naging parte na ng buhay natin ang panunuod kung saan may maganda itong maidudulot tulad ng mas lumalawak ang kaisipan natin at mas natututo tayo. Sa pamamagitan nito mas nabibigyan tayo ng sapat na impormasyon ukol sa ating pinapanood at gustong iparating ng ating pinapanood. Kaya ang pagkakaroon ng literasi sa mga dulang pantelebisyon ay isang bagay para tayo ay matuto sa pagbabasa at pagsulat. Kaya napakaimportante ng literasi dahil ito ay nagiging paraan para tayo ay lumikha ng isang kaaya-ayang palabas na siguradong tatangkilikin ng mga Pilipino at sa ibang bansa.

  31. Haidi Rioga (III- Idealism) says:

    Dapat magkaroon ng literasi ang mga pilipino sa dulang pantelebisyon at papelikula dahil una sa lahat kailangan natin ang sapat na kaalaman sa sariling atin, gaya ng mga dula sapagka’t tayo ay mga pilipino. nakakahiyang isipin na tayo’y magmang pagdating sa mga bagay na pag- aari natin. hindi magadang halimabawa, mas mayroon tayong kaalaman sa pag- mamayari ng iba habang ang sariling atin ay isinasantabi na lamang. hindi dapat tayo maging dayuhan sa sarili nating kultura. karamihan sa mga dulang pantelebisyon at pampelikula ay sasalamin sa realidad ng buhay sa ating lipunan, kung kaya’t kailang pa nating paigtingin ang ating atensyon dtio, sapagkat marami tayong aral na mapupulot, na maari nating magamit sa pagharap sa ating buhay.

  32. Andrian T. Cortez says:

    Andrian T. Cortez
    III-Discovery

    Para saakin kailangang magkaroon ng literasi ang dulang pantelebisyon at pampelikula upang mas maintindihan ng mga manonood ang kanilang pinapanood. Ang literasi din ay makakatulong sa pag-unawa ng mga manonood sa mga eksena sa isang dulang pantelebisyon o pampelikula. Ito rin ay makakatulong sa atin dahil napapalawak nito ang ating kaalaman.

  33. Adria F. Sarfati III-Idealism says:

    Dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula dahil maraming nanonood sa mga dulang ito. Iba iba ang “ages” ng mga tagapanood kaya naman dapat matino ang impormasyon na pinapahiwatig nito at may mahalagang matututunan dito

  34. David Joshua C. Mago says:

    III-Excellence

    Dapat lamang na magkaroon ng literasi ang dulang pampelikula at pantelebisyon dahil hindi lamang sa aliw o paglilibang nagagamit ang pelikula. Marami rin itong mga hindi kapansin-pansin na idinudulot sa mga manonood. Ayon sa aking nabasa, ang literasi ng isang tao ay unti-unting naaapektohan ng kaniyang mga napapanood. Kung minsan, pati mga sinasabi ng mga umaarte sa pelikula ay ating nagagaya at naia-adopt sa pangaraw-araw nating komunikasyon. Ang mga pelikula rin ay nagagamit bilang “reinforcement” ng teksto na nais nitong ihatid. Ayon sa pagsasaliksik, mas naaalala ng tao ang mga salita kapag may nakikita rin silang mga imahe o simbolo na maaaring iugnay sa salitang iyon.

    Isa pang dahilan ay sa ang pelikula o teleserye kapag ikumpara sa panitikan lamang, mas maraming “salita” ang mga pelikula sa nakalimbag lamang na likha, kahit na parehas lamang sila ng nilalaman. Nasabi ko ito dahil kapag panitikan, kung anong mga salita ang nandoon, iyon na yun. Ngunit kapag pelikula o teleserye, may kasama itong mga nakikitang maaaring magbigay ng mga dagdag na “teksto” na manggagaling sa simbolo o larawan.

    http://www.filmeducation.org/staffroom/film_in_the_classroom/film_in_literacy/

  35. Kay P. Vicente says:

    Vicente, Kay P.
    III- Excellence

    Sa aking pananaw, kailangang magkaroon ng literacy ang mga ipinapanood para magkaroon ng pagkakaunawan ang mga manonood at mayroon din silang matututunan, hindi yong kapag napanood niya ang isang pelikula ay, “wala lang”. Kapag malalagyan ng sapat na literasi ang mga pinapanood, ang mga natututunan natin dito sa mga pelikula at teleseryeng ito ay maaari nating gamitin sa totoong buhay. Ang ibang tao ay pwede ring “mainspire” sa mga asal at mga araling itinuturo.

  36. Mitzi Bayan says:

    Para sa akin dapat magkaroon ng literasi ang mga dulang pantelebisyon at pampelikulang Pilipino, nang sa paraang ito ay mas nagiging malikhain at masining ang mga nagagaawang mga pelikula at teleserye. At sa gayon ay maipagmamalaki natin sa ibang bansa o sa mga dayuhan ang sarili nating mga pelikula at teleserye.
    Ma. Rosario E. Bayan
    III-IDEALISM

  37. Delariarte, Aurora C.
    III-Discovery

    Mahalaga ang pagkakaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula upang magkaroon ng pagkakaintindihan at maiwasan ang pagkakaroon ng di pagkakaunawaan o taliwas na ideya ukol sa pelikula. Sa paraang ito, madali nating maiintindihan at malalaman ang mensahe na nais ipahiwatig ng bawat pangyayari ng isang pelikula. At dahil ang mga pelikula ay naging bahagi na ng pang-awar araw na pamumuhay natin kung kaya’t nararapat lamang na alamin natin ang paraan ng paggawa sa mga ito. Hindi sapat na matapos ang panunuod natin sa mga pelikulang ito na may mga naiwan paring mga katanungan ukol sa pagkakagawa ng mga ito. Hindi ba’t nakakadagdag pa sa ating alalahanin sa ating mga isipan ang mga tanong na ito. Kung may literasi, mababawasan ang mga pagsulpot ng mga iba’t ibang katanungang sa ating isipan. Matutukoy natin ang mga bagay-bagay ukol sa isang pelikula, at sa huli matutunan nating ipamahagi ang ating nalalaman ukol sa pelikulang ito upang kung may sakali mang mali, alam na natin ang mga dapat na baguhin para ang isang pelikula ay mapabuti at mas maging epektibo sa paglalahad ng mensahe nito.

  38. Carlos Abiera, III - Excellence says:

    Dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Pilipino dahil sa karamihan ng pamumuhay ng Pilipino, ang dulang pantelebisyon at pampelikula ay palaging pinagkaguluhan. Alam nating ito dahil ito ay naglalaman sa halos lahat ng programa sa ating lingwahe ay pwedeng matawag na dulang pantelebisyon at pampelikula at ito rin ay isang paraan upang ipakita ang pagmamahal sa sariling wika. At ang pagdagdag ng literasi dito ay makakatulong sa kanila upang sila ay makapulot ng kahit kaunting kaalaman na makakatulong sa kanila sa totoong buhay.

  39. Huliganga, Joanne Thea U. says:

    III-Discovery

    Ang literasi ay kailangan nating ihubog sa pampelikula at pantelebisyon sa dahilan na kailangan natin ipabahagi na tayong mga Pilipino ay nakakasabay sa iba pang mga bansa sa larangang nasyonal. Toyong mga Pilipino ay mahilig sa mga pelikula at panonood ng telebisyon, kahit ito man ay adaptasyon natin, o gawa ng ibang bansa. Maganda namang nanonood tayo ng mga panoorin ng ibang bansa, ang nakakalungkot lamang ay nakakalimutan na natin ang sarili nating mga panoorin. Kapag ipinagyaman natin at ginalingan ang ating literasi sa larangang ito, tayo ay mas lalong makakaangat ng kagalingan, at maipapakita at mapapanatili pa natin ang ating sariling wika at nasyonalismo. At hindi lang naman sating mga Pilipino ito maaaring maging mabuti. Pwede din iong magustuhan at matangkilik ng iba pang mga bansa.

  40. Jannah Jobe Fawayan says:

    Sa aking pananaw, dapat magkaroon ng literasi sa dulang pampelikula at pantelebisyon ang mga Pilipino dahil sa mga dulang ito, nakakapulot ng mga aral ang mga manonood na maaaring gamitin sa buhay. Dapat rin tayong magkaroon ng literasi sa mga ito dahil hindi dapat nagpapahuli ang mga Pilipino sa mga bagay lalo na sa ganitong usapin.

    Fawayan, Jannah Jobe C.
    III- Excellence

  41. MANAGDAG, Perrine Grace from III-Discovery says:

    Dapat magkaroon ng literasi sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Pilipino upang tayong mga Pinoy ay mas maunawaan natin ang Pelikulang pinapanood at hindi lang natin ito pinapanood dahil gusto natin. Nang dahil na rin sa literasi, pwede rin nating masundan agad and daloy ng kwento.

    Dahil rin dito napapalawak ang ating kaalaman,tayo ay mas nagiging malikhain, at mas nagiging “open-minded” tungkol sa dulang pantelebisyon at pampelikula.

  42. Villanueva, Shiela Mae M. III-Excellence

    Para sa akin, kinagigiliwan ng mga manunuod (Pilipino) ang mga palabas na adaptasyon dahil nagkakaroon sila ng interes kung ano ang kultura sa ibang bansa. Dahil sa kahirapan ngayon, ang pinaka madaling paraan para makita ang isang lugar na ninanais puntahan ay sa pamamagitan ng panunuod ng telebisyon. Kung ang isang tao ay nanunuod ng telebisyon, kadalasang nararamdaman niya na siya ay nasa lugar at pangyayaring iyon. Hindi lamang dahil sa gusto ng isang tao na magpunta sa isang lugar kaya nanunuod siya ng mga palabas na galing sa ibang bansa. Maaaring ninanais rin niyang makita ang mga nangyayari lamang sa sa naturang lugar. Isang magandang halimbawa ay ang mga palabas na galing sa Korea o China. May ibang klase ng pamamahala sa mga lugar na ito. Mayroon silang sariling mga Emperor. Pinapanuod ito ng madla dahil gusto nilang magkaroon ng ideya kung paano ang buhay ng isang taga-Korea na pinamumunuan ng isang Emperor. Sinusubaybayan rin ng mga Pilipino ito dahil sa mayroon itong mga naiibang istilo. Nasusulyapan nila ang kapaligiran doon at nakikita nila kung paano tumatakbo ang buhay at pamumuhay ng mga mamamayan sa naturang lugar.

    Sa aking napapansin, marami nang mga dulang adaptasyon ang sumisikat sa bansang Pilipinas ngayon. Halos napapantayan na nito ang mga dulang orihinal ng ating bansa. Dahil dito, may mga pagkakataon na mas napagtutuunan ng pansin ng mga manunuod ang mga dulang galing sa ibang bansa. Dahil sa tuloy tuloy na pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga dulang ito, unti-unti naring nawawala ang interes ng mga manunuod sa mga palabas na purong Pilipino ang may gawa. Mas nabibigyan nila ng pansin ang kultura ng ibang bansa, mas nagkakaroon sila ng interes sa ibang bansa, at ang mas malala, kung paminsan minsan ay mas napapangalagaan pa nila ito at unti unti nang nawawala sa kanilang mga isipan ang kultura ng kanilang sariling bansa. Ngunit, hindi rin naman puro masama ang idinudulot ng mga ito. Sa panunuod ng dulang adaptasyon, ang mga manonood ay mabibigyan ng ideya tungkol sa ibang bansa. May mga pagkakataon din naman na nabibigyan ang mga Pilipino ng inspirasiyon para gumawa ng mga palabas pa.

    Sa huli, ang pinaka importante parin ay patuloy na pag-unlad ng sining hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Hindi man napapansin ang ilan sa mga produkto nito, ang mas mahalaga ay nabigyan parin ng pagkakataon and isang indibidwal upang linangin ang kaniyang kakayahan ay ilabas ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng mga palabas at dula.🙂

  43. Shiela Villanueva says:

    Kinakailangang magkaroon ng literasi ngayon ang dula dahil isa ito sa mga pinaka-importante na sangkap sa pag-gawa ng isang pelikula/palabas. Sa literasi na ito, mas mauunawaan ng mga manunuod ang kanilang pinapanuod. Kung mangyayari man ito, mas tatangkilikin ng mga tao ang naturang palabas. Kung may literasi, mas mabibigyang linaw sila sa mga pangyayari sa isang palabas. Maayos na mapapaliwanag ang bawat pangyayari. Hindi magkakaroon ng lito ang bawat tao tungkol sa kung ano talaga ang ipinapahiwatig ng isang palabas. Kung mauunawaan nila ang isang palabas, makakamit ang mithiin ng isang pelikula: ang magbahagi ng mga nararamdaman at sariling opiniyon, at para sa iba, mag-iwan ng aral sa mga manunuod.

  44. Emily Joyce E. Dela Cruz says:

    Mahalagang may literasi ang mga pelikula at dulang pantelebisyon nating mga Pilipino upang mas mainitindihan pa ang mga ito. Kadalasan kasi, kapag hindi maintindihan ng tao ang kanyang pinapanood dahil hindi naipaparating ng panood ang mensaheng gustong ipaintindi, hindi na ito itinutuloy panoorin. Kung may literasi ang mga pelikulang atin, mas tatangkilikin ito dahil naiintindihan ito ng buong-buo. Maski siguro ang mga kalahating Pilipino na nagsisimula pa lamang sa pagsasalita ng ating lengguwahe ay maiintindihan ito kung may literasi. Mas makikilala din sa loob at labas ng bansa ang mga pelikula at panood nating mga Pilipino kung naiintindihan itong mabuti. Naniniwala din ako na sa bawat pelikula ay may aral na mapupulot o di kaya ay karunungang makukuha. Kaya naman kailangan talaga ng literasi upang mapag-alaman natin kung ano ang mga ito lalo na ngayon na lahat ng tao sa bawat sulok ng mundo, mula bata hanggang bata ay nanonood ng telebisyon. Nakasalalay din kasi ang tagumpay ng isang dula sa literasi nito, yung kakayahan nitong i-convey ang nilalaman nito sa sambayanan.

  45. Lynette Villanueva says:

    para sa akin ang literasi ay mahalaga upang maintindihan at mapa-unlad natin ang ating pag-unawa. Mahalaga ito upang maiparating ang mga mansahe sa paraan na maiintindihan ng iba. Hindi natin magagagawang gumawa o manood ng mga pelikula kung wala ito. halimbawa nalang kung nanood tayo hindi naman natin kayang intindihin ang mga “subtitle” kung hindi ito kasama sa ating literasi/wika, ganoon rin naman sa iba. Napapaunlad din tayo nito dahil kung meron ito mas maraming tatangkilik ng ating nga pelikula, maiintindihan nila ito ng sa gayun ay may kita ang mga gumagawa ng pelikula.

    Improved literacy can contribute to economic growth; reduce poverty; reduce crime; promote democracy; increase civic engagement; prevent HIV/AIDS and other diseases through information provision; enhance cultural diversity through literacy programmes in minority languages; lead to lower birth rates as a result of increased education; and confer human benefits such as increased self-esteem, confidence and empowerment. However, the benefits of literacy ensue only when broader rights and development frameworks are in place and operating effectively. Individual benefits, for example, accrue only when written material is available to the newly literate person.

    Literacy Combats Poverty, Improves Health and Promotes Social Development

    “The spread of literacy has emerged as a major factor in economic and social development. In fact, the linkages between education, health and nutrition are mutual and complementary. The strong linkages between education, health, nutrition and reduced fertility result in synergies, which can transform vicious cycles of poverty, illiteracy, malnutrition and disease into virtuous cycles of learning and health, equity and sustainable development.”
    World Bank, Literacy and Primary Education, Kowsar P. Chowdhury

  46. Angelica Ascrate says:

    Angelica Ascrate
    III- Excellence

    Dapat magkaroon ng literacy sa dulang pantelebisyon at pampelikula ang mga Pilipino para sa mas mapalawak ang kaalaman at mas maipahayag ang gustong iparating. At para mas maintindihan ito At para na din mas umunlad ang mga ito.😀

  47. Nedlloyd Tuguinay says:

    Ang literasi ng pelikula ang magsasabi kung ito nga ba ay may kalidad o gawa ng mga propesyonal at eksperto. Ang mga dulang ito ay dapat magpamalas ng tamang aral dahil isa nang napakalaking salik ang mga dula sa paghubog ng pag-iisip ng isang tao. Kung ano ang karaniwang nakikita natin ngayon ay siyang ating pinaniniwalaan. Paano na kaya kung walang aral na nakukuha sa mga dula? matatawag pa kaya itong dula? sa aking pananaw, dapat maging layunin ng mga dula na magbigay aral. Sa palagay ko, hindi naman ginawa ang dula para lang matuwa tayo ‘di ba? Kung wala tayong aral na nakuha, parang ibig sabihin na rin niyon ay walang resolusyon ang pelikula dahil sa resolusyon natin nakikita kung paano nalampasan ng bida ang mga problema niya (at sa bahaging ito ay nakakuha na rin tayo ng aral.).

    Nedlloyd Tuguinay
    III-Discovery

  48. THURS, Reba A. says:

    Sa aking pananaw, dapat magkaroon ng literasi ang dulang pantelebisyon at ang dulang pampelikula dahil tinatangkilik ito ng maraming tao at mga manonood kaya naman dapat tamang impormasyon at dito rin natututo ang mga iba at napapalawak ang kaalaman sa mga bagay bagay kaya esensyal na magkaroon ng literasi dito. Kapag wala po itong literasi, maaaring iba at mali ang interpratasyon ng mga manonood. Ito rin po kasi ang nagbibigay halaga sa isang pelikula or dulang pantelebisyon dahil nagbibigay ito kaalaman at magandang idudulot sa mga tao. At kung may literasi, mas maraming magtatangkilik sa mga dulang pantelebisyon at dulang pampelikula.

    THURS, Reba A.
    III-Excellence

  49. Kailangan ng literasi ng mga Pilipino sa dula at telebisyon upang mabilis maintindihan ang storya o ang gustong ipahiwatig nito. Mas sooth o mas maganda ang pagkakaayos ng events.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s